Sa talumpati sa pamamahagi ng titulo sa agrarian reform beneficiaries sa Davao City, Biyernes ng gabi, sinabi ng pangulo na sikat lang si Aquino matapos itong mawalan ng asawa sa kamay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“Cory Aquino maybe popular, she is popular today. Why? For losing the husband in the hands of Mr. Marcos,” ayon sa pangulo.
Binatikos ni Duterte ang pagdedeklara ng land reform ni Aquino sa buong bansa ngunit hindi isinama ang Doña Luisita na pagmamay-ari mismo ng kanyang pamilya.
“Aquino declares land reform for the entire Philippines but exempted Dona [Hacienda[ Luisita. Her own land,” ani Duterte.
Aminado si Duterte na maraming Filipino ang nagpapasalamat sa kontribusyon ni Aquino sa pagpapanumbalik ng demokrasya matapos ang rehimeng Marcos.
“To the many, to those who really wanted to be freed from Marcos, that’s another feeling, maybe of gratitude,” ayon sa pangulo.
Gayunman, sinabi ng pangulo na taliwas sa naiwang legasiya ni Aquino ang ginawa nitong hindi pagsali sa sariling lupa sa agrarian reform program.
“Hindi nya sinali yung kanya, she exempted her own. So you call her, the one who freed, emancipated. It’s an incongruity, si Cory,” dagdag ng pangulo.
Nang maupong presidente, itinalaga ni Aquino si Duterte bilang vice mayor officer-in-charge ng Davao City.
Sa isang talumpati noong March 2018, kinilala ni Duterte ang mahalagang papel ng yumaong presidente sa kanyang political career.
“I was appointed OIC vice mayor. That starts me in Davao and I owe it to Cory Aquino. I got out from the prosecution, then started my career as an OIC, then ran after the OIC, mayor,” ayon sa pangulo.