Longest running No. 1 song ni Mariah Carey napalitan na

Hindi na ang kantang “One Sweet Day” ni Mariah Carey kasama ang Boyz II Men ang Number 1 song sa Estados Unidos.

Makalipas ang 23 taon, napalitan na rin ang naturang “longest No. 1 song.”

Ang kanta ni Mariah ay pinalitan ng novelty song na “Old Town Road” ni Lil Nas X.

Ang kanta ni Lil Nas X ay kasalukuyang nangunguna sa Billboard Hot 100 chart sa loob ng 17 sunod na linggo.

Dahil dito ay naungusan na ng “Old Town Road” ang “One Sweet Day” na nagtala ng 16-week record noong 1996.

Agad na binati ni Mariah ang 20 anyos na rapper nang malaman na napalitan na ng kanta nito ang kanyang hit song.

Pero ayon kay Mariah, ang “One Sweet Day” ay may espesyal na lugar pa rin sa kanyang puso at nagpasalamat ito sa sinuman na nagsabing nakaapekto ang kanta sa kanyang buhay.

Tinawag naman ni Lil Nas X na “legend and an icon” si Mariah at hindi ito makapaniwala na ang kanta na niya ang longest No. 1 song.

 

Read more...