4 patay sa aksidente sa Eastern Samar

By Chona Yu December 27, 2015 - 02:23 PM

 

Mula sa google maps

Patay ang apat katao matapos magsalpukan ang tatlong sasakyan sa Maharlika highway, Sitio Kamaktas, Brgy San Miguel, Balangiga Eastern Samar.

Nakilala ang nasawi na si Renato Brieva, 52 anyos, tricycle driver at residente ng Maydolong Eastern Samar.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong iba pa na pawang mga pasahero ni Brieva.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungo ng Tacloban City ang Toyota Avanza na minamaneho ni Jelson Quebec at nag overtake sa isang sasakyan.

Gayunman, hindi agad na nakabalik sa kanyang linya si Quebec dahilan para salpukin ang dalawang paparating na tricycle.

Nakakulong na ngayon sa Balangiga municipal station si Quebec at sasampahan ng kaukulang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.