Northern Samar niyanig ng M4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bahagi ng Northern Samar ala-1:28 Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 37 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Pambujan.

May lalim ang pagyanig na 29 na kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang instrumental Intensity I sa mga sumusunod na lugar:

–        Daet, Camarines Norte

–        Pili, Camarines Sur

–        Cebu City

–        Borongan City

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at walang inaasahang aftershocks.

 

Read more...