5 arestado sa buy bust sa QC

QCPD PS4 photo

Arestado ang limang katao sa ginawang buy bust operation sa Joan of Ark, Luisita Street, Brgy. Gulod sa Novaliches, Quezon City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jeffrey del Puerto, Andrei Joshua Maneze, Rennel Castillo, Marlon Madrio at Jerry Ocay.

Nakumpiska ng mga tauhan ng Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD) Station Drug Enforcement Unit ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nabawi rin ang P500 at P10,000 marked money na ginamit na pambili ng shabu sa mga suspek.

Aabot sa 7 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek na may street value na P47,600.

 

Read more...