Miss Universe, nanatiling simple

pia wutrzbach
TMZ photo

Sa kabila ng pagiging 2015 Miss Universe, naging simple pa rin si Pia Wurtzbach.

Katunayan, nakunan siya ng litrato ng TMZ na mag isang naglalakad sa Columbus Circle sa New York City.

Nakasuot lamang si Pia ng kulay asul na t-shirt na may nakaibabaw na itim na leather chaleco, itim na leggings at sneakers.

Para maging kumpleto ang pagiging undercover ni Pia, nagsuot pa ito ng light brown na sombrero.

Makikita sa larawan na may nakalagay na earphone sa tenga ni Pia at hawak ang telepono.

Read more...