30 kilo ng karne ng aso nasamsam sa Bulacan

By Rhommel Balasbas August 03, 2019 - 01:24 AM

Animal Kingdom Foundation photo

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at grupong Animal Kingdom Foundation ang aabot sa 130 kilo ng karne ng aso sa Obando, Bulacan.

Sinalakay ng mga awtoridad ang Paliwas fishport kung saan naabutan ang 14 na kinatay na aso.

Sa pahayag ng Animal Kingdom Foundation araw ng Biyernes, napag-alaman nilang gumagamit ng bangka ang mga sindikato para sa transportasyon ng mga karne ng aso.

Bukod sa pagkatay, binalatan pa ang mga aso at sinasabing dadalhin dapat ang mga ito sa Maynila para maibenta.

Arestado ang tatlong suspek na nakilalang sina Ramon Adino, Ramoncito Adino at Danny Cruz.

Ayon kay Alan Pekit-Pekit ng AKF, kumukuha at bumibili ng mga aso sa katabing baranggay ang mga suspek at pinupukpok sa ulo ang mga ito.

Iginiit ni Ramoncito, lider ng grupo na pangingisda ang dati nilang hanap-buhay ngunit dahil naging matumal ang huli ay naghanap sila ng ibang pagkakakitaan.

Nagbabala si Pekit-Pekit sa pagkain ng karne ng aso dahil taglay nito ang bacteria na hindi namamatay.

Nanawagan naman ang grupo ng donasyon para maipagpatuloy ang laban kontra sa pagkatay sa mga aso.

Sasampahan ng kasong paglabag sa anti-rabies law at animal welfare act ang nahuling mga suspek.

 

TAGS: 130 kilo, 14 aso, Animal Kingdom Foundation, animal welfare act, anti-rabies law, bacteria, Bulacan, CIDG, karne ng aso, Kinatay, Obando, Paliwas fishport, 130 kilo, 14 aso, Animal Kingdom Foundation, animal welfare act, anti-rabies law, bacteria, Bulacan, CIDG, karne ng aso, Kinatay, Obando, Paliwas fishport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.