Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental alas 12:10 Sabado ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa Silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.
Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 143 kilometers.
Naitala ang Instrumental Intensities na Intensity III sa Alabel at Kiamba sa Sarangani at sa General Santos City.
Habang Intensity II sa Tupi sa South Cotabato.
Sinabi ng Phivolcs na asahan ang aftershocks bagamat wala namang inaasahng pinsala dahil sa lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.