San Miguel balik PBA finals kontra TNT matapos talunin ang Rain or Shine

By Len Montaño August 03, 2019 - 12:55 AM

Balik finals ang San Miguel para sa championship series kontra TNT matapos talunin ang Rain or Shine sa Game 4 ng kanilang semi-finals series sa PBA Commissioner’s Cup sa score na 98-95.

Kumanada ang malalaking players ng San Miguel para tapusin ang serye laban sa Rain or Shine.

Gumawa si import Chris McCullough ng 34 points at 18 rebounds habang nagdagdag si Alex Cabagnot ng 24 points.

Ito na ang ika-42 na pagsalang ng Beermen sa PBA finals.

Simula na agad bukas araw ng Linggo ang Game 1 sa best-of-seven championship sa pagitan ng San Miguel at TNT.

Hindi nakagawa ng puntos si Terrence Romeo sa unang 20 minuto ng laro pero malaking tulong ang pull-up jumper nito sa natitirang 1 minuto at 45 segundo ng laban.

Samantala, gumawa si James Yap ng 10 points para sa Rain or Shine pero hindi nito nakumpleto ang play na naging dahilan sana ng overtime.

 

TAGS: Chris McCullough, Commissioner’s Cup, Finals, PBA, Rain or Shine, San Miguel, TNT, Chris McCullough, Commissioner’s Cup, Finals, PBA, Rain or Shine, San Miguel, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.