Bangkay ng babae natagpuan sa palaisdaan sa Valenzuela

By Len Montaño August 03, 2019 - 12:28 AM

Google map

Natagpuan ang bangkay ng isang babae na ibinalot sa kumot sa isang palaisdaan sa Valenzuela araw ng Biyernes.

Una rito ay nagtanggal ang mga tauhan ng Waste Management Office ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ng mga water lily sa palaisdaan sa A. Concepcion Street sa Barangay Pasolo para makita ang bangkay ni Rosalie Mission Sagal na noon pang July 20 nawawala.

Kalaunan ay nakita ang isang bangkay ng babae na nakabalot sa kumot na natabunan ng mga water lily.

Dinala ang bangkay sa crime laboratory ng SOCO sa Camp Crame para sa autopsy.

Nakipag-ugnayan na ang mga otoridad sa pamilya ni Sagal para kilalanin kung ang bangkay ang nawawala nilang kaanak.

 

TAGS: autopsy, babae, bangkay, nakabalot sa kumot, palaisdaan, SOCO, valenzuela, water lily, autopsy, babae, bangkay, nakabalot sa kumot, palaisdaan, SOCO, valenzuela, water lily

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.