Stephen Curry, Male Athlete of the Year

By Mariel Cruz December 27, 2015 - 11:11 AM

CurryWagi bilang ‘Male Athlete of the Year’ ang NBA star at Golden State Warriors guard na si Stephen Curry bilang ‘Male Athlete of the Year’ ng Associated Press o AP.

Nanguna si Curry sa botohan ng isinagawa ng AP sa hanay ng editors at news directors ng Estados Unidos.

Dahil dito, kabilang na si Curry sa mga basketball player katulad na lamang nina Lebron James, Michael Jordan at Larry Bird na nakasungkit rin sa award sa loob ng 85 years.

Tinalo ni Curry ang golfer na si Jordan Spieth na nanalo na sa dalawang majors at si American Pharaoh na kauna-unahang race horse simula noong 1978 na nakasungkit sa Triple Crown.

Ikinalugod naman ni Curry ang naturang pagkilala at sinabing isang karangalan ito para sa kanya.

Si Curry ang naging mukha ng NBA simula noong nakaraang taon dahil sa kanyang “record-setting shooting numbers” tuwing may laban ang kanyang koponan.

TAGS: Male Athlete of the Year, Stephen Curry, Male Athlete of the Year, Stephen Curry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.