Duterte namigay ng mga titulo ng lupa sa Mindanao
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya ng pamimigay ng halos 60,000 titulo ng mga lupa sa mga beneficiaries ng land reform program sa limang rehiyon sa Mindanao araw ng Biyernes.
Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), namigay ang Pangulo ng 58,387 certificate of land ownership awards (Cloa) na sakop ang 102,727 ektarya ng lupa.
Sa hometown ng Pangulo sa Davao region, nasa 1,361 na Cloas ang ibinigay sa 1,709 na land reform beneficiaries sakop ang 1,452 na ektarya ng lupa.
Ang mga titulo ay galing sa Land Bank of the Philippines para sa kapakinabangan ng mahigit 60,000 beneficiaries.
Sinabi ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones na nasa 350 ektarya ng lupa ang ipapamahagi sa mga seremonya naman sa Luzon at Visayas.
Ayon sa ahensya, magiging pag-aari na ng mga magsasaka ang kanilang mga lupa sa ilalim ng repormang agraryo.
Ang pamimigay ng mga titulo ang huling bahagi ng pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.