Isa pang kasong libelo, isasampa ni ES Medialdea vs Ramon Tulfo

Magsasampa si Executive Secretary Salvador Medialdea ng isa pang kasong libelo laban kay Special Envoy for Public Diplomacy to China Ramon Tulfo.

Sa isang panayam, sinabi ni Medialdea na nakahanda na ang kaniyang panibagong kaso laban sa mamamahayag.

Posible aniyang isampa ang kaso sa susunod na linggo.

Ang kaso ay may kaugnayan sa inilabas na artikulo ni Tulfo sa pahayagang Manila Times na may titulong “Self-purgation should start with the Cabinet” noong July 25, 2019.

Inihain ni Medialdea ang unang kasong libelo kay Tulfo, araw ng Biyernes.

Read more...