2 babae sugatan matapos mabangga ng SUV sa Quezon City

By Jong Manlapaz August 02, 2019 - 08:32 PM

Sugatan ang dalawang babae na tumatawid sa pedestrian lane matapos mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) sa kanto ng Tomas Morato Avenue at Eugenio Lopez Sr. sa Quezon City.

Bandang 7:40, Biyernes ng gabi, nang mabangga sina Janice Tapil at Rachelle Nuestro.

Nagkaroon si Tapil ang tama sa kaniyang likod habang nasugatan naman si Nuestro sa kaniyang kanang braso.

Agad binigyan ng paunang lunas ang dalawa ng mga rumespondeng ambulansya at nagdala sa kanila sa pinakamalapit na ospital.

Samantalang, hawak na ng traffic police sina Jayson del Rosario, drayber ng SUV na may plakang ABG 4080.

Nanggaling lang sa trabaho ang dalawang biktima at pauwi na sana ng mabangga ng SUV.

Ayon naman sa drayber ng SUV, hindi niya napansin ang dalawa.

TAGS: Janice Tapil, quezon city, Rachelle Nuestro, Janice Tapil, quezon city, Rachelle Nuestro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.