Loreto, Dinagat nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Dinagat, Biyernes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 29 kilometers Southeast ng bayan ng Loreto bandang 7:41 ng gabi.

Nasa 18 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...