Sunud-sunod na patayan sa Negros Oriental, ikinabahala ng CHR
Ikinabahala ng Commission on Human Rigths (CHR) ang mga insidente ng sunud-sunod na patayan sa probinsiya ng Negros.
Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng ahensya, umabot na ng 21 ang naitalang napatay sa loob lamang ng mahigit isang linggo sa lugar.
Aniya, nagpadala na sila ng mga tauhan sa nasabing isla, sa pamamagitan ng CHR central at regional offices, para imbestigahan ang karumal-dumal na mga insidente, gaya ng pagpatay sa mga pulis, abogado, guro at ang batang biktima.
Hindi rin aniya inaalis ng CHR na posibleng ito ay kagagawan ng mga rebeldeng grupo.
Umaasa naman si de Guia na makikipagtulungan sa kanila ang mga otoridad na gumagawa ng imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang mga biktima at maparusahan ang mga suspek.
Hangad ni Atty. de Guia na hindi ito ang maging dahilan para magpatupad ng martial law ang gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.