Walang toll fee increase sa 2016

toll gate
Inquirer file photo

Walang pagtataas sa singil ng toll fee sa susunod na taon.

Ayon kay Toll Regulatory Board spokesman Julius Corpuz, walang sasalubong na pagtaas ng toll fee sa pagpasok ng Bagong Taon sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cavite Expressway (CAVITEX).

Sinabi pa Corpuz na pinag-aaralan pa ng TRB ang hirit ng NLEX Management na toll fee increase.

Nabatid na humihirit ang NLEX ng 15 percent increase habang ang SCTEX naman ay humihirit ng 55 percent increase.

Aabot naman sa 25 hanggang 30 percent ang ihinihirit na increase ng Cavitex.

Read more...