DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Batanes

Photo credit: Sen. Christopher “Bong” Go

Patuloy ang pag-aabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng dalawang malakas na lindol sa Batanes.

Base sa pinakahuling ulat ng Disaster Response Management Bureau ng DSWD, nakapagpadala ng 158 family food packs sa Itbayat.

Nakatakda namang ipadala sa bayan ang nasa 1,312 na family packs, 125 family tents, 400 sleeping kits at 60 folding beds mula sa Port Irene sa Sta. Ana sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel.

Maliban dito, magbibigay din ang kagawaran ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa P30,000 kada pamilya na matinding nasiraan ng bahay habang P10,000 sa mga pamilya ng may bahay na bahagyang may sira.

Magkakaroon din ng Critical Incident Stress Debriefing ang DSWD para sa mga biktima.

Read more...