Senate inquiry sa Philhealth scandal isasagawa na sa susunod na linggo

By Jan Escosio August 02, 2019 - 07:15 PM

Sa araw ng Huwebes, sa susunod na linggo, isasagawa ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga di’ umano’y iskandalo sa paggamit ng pondo ng Philhealth.

Sa inilabas na committee schedule ng Senado para sa susunod na linggo, alas-11 ng umaga sisimulan ang pagdinig ng komite ni Sen. Richard Gordon sa Session Hall.

Ito ay base sa Resolution No. 3 o Fraudulent Medical Claims to the Philippine Health Insurance Corp o Philhealth at sa privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson noon July 29 at may titulong ‘PhilWealth and Department of Wealth.’

Katuwang ng Blue Ribbon Committee ang Committee of Health and Demography na pinamumunuan naman ni Sen. Christopher Go.

Bago ito, sa darating na araw ng Miyerkules ay magkakaroon na rin ng pagdinig ang Committees on Electoral Reform, Local Government at Finance hinggil sa dalawang panukala na ipagpaliban barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa araw din Miyerkules, magkakaroon ng pagdinig ang Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar kaugnay sa paggasta ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.

TAGS: blue ribbon committee, Health, philhealth, senate inquiry, blue ribbon committee, Health, philhealth, senate inquiry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.