EU nagbigay ng P5.6M na tulong sa bansa para sa mga lugar na apektado ng dengue
Nagpaabot ang European Union ng 100,000 euros o P5,692,772 na tulong-pinansyal para sa mga lugar sa bansa na mayroong Dengue outbreak.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng EU na layon nitong makatulong sa mahigit tatlong daang libong pamilya sa Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, Western Visayas at Metro Manila.
Dagdag pa nito, layon nitong mapondohan ang pag-asiste sa pamamagitan ng pagpapatibay ng public heath services.
Ayon sa EU, ipinadala ang tulong sa Philippine Red Cross (PRC).
Sa tala ng Department of Health, nasa 5 thousand 744 na bagong kaso ang naitala mula June 30 hanggang July 6 ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.