Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi pa kailangang magdeklara ng martial law sa Negros Oriental.
Sa turnover ng regional evacuation center sa Zarraga, Iloilo sinabi ni Lorenzana na hindi pa kailangan ang martial law base sa sitwasyon ng probinsya.
Ngunit, hihintayin pa rin aniya ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at pamahalaang lokal.
Posible aniyang ideklara ang batas militar kung hihilingin ito ng AFP, PNP at pamahalaang lokal base sa mga maipapakitang rason.
Ayon pa sa kalihim, maipatutupad ito ang mayroong kaguluhan at hindi ma-control sa patayan.
Dahil natapos na ang serye ng patayan, sinabi ni Lorenzana na posibleng may kinalaman ito sa pulitika dahil sa katatapos lang na 2019 midterm elections.