Mga Pinoy sa Thailand pinag-iingat matapos ang sunud-sunod na pagsabog sa Bangkok

By Dona Dominguez-Cargullo August 02, 2019 - 04:49 PM

Pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Filipino sa Thailand.

Ito ay matapos ang magkakasunod na pagsabog na naitala sa Bangkok na ikinasugat na ng tatlong katao.

Sa abiso ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok, pinayuhan din ang mga Filipino doon na manatiling kalmado.

Pinapayuhan din ang mga Pinoy na makipag-cooperate sa mga otoridad sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad bunsod ng mga insidente.

Ginaganap sa Thailand ang Southeast Asian Security Meeting na dinadaluhan ng matataas na opisyal ng iba’t ibang bansa nang maganap ang magkakasunod na pagsabog.

TAGS: Bangkok, Explosion, security alert, thailand, Bangkok, Explosion, security alert, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.