Jolo Revilla, engage na sa kaniyang GF

“Soon to be asawa ko”

Ganito kinumpirma ng aktor at vice governor ng Cavite na si Jolo Revilla ang kaniyang girlfriend na si Angelica Alita.

Sa Instagram, kinumpirma ni Jolo ang kanilang engagement kasabay ng pagbibigay ng mensahe para sa Binibining Pilipinas 2016 first runner-up.

Aniya, si Angelica ang nagsisilbing inspirasyon at nag-iisang nagpapatibok ng kaniyang puso.

Sinabi pa ni Jolo na hangad niya ang pagkakaroon ng kasiyahan, maayos na kalusugan at panatag na kalooban para sa mahaba pa nilang pagsasama.

Matatandaang kumalat ang ispekulasyon ng kanilang engagement matapos mag-post sina Alita at Jolo ng larawan sa social media.

Read more...