3 patay, 3 arestado sa pagsalakay ng pulisya sa isang bahay sa Basilan

August 02, 2019 - 03:52 PM

Police banner

Nasawi ang tatlong katao habang tatlo pa ang nadakip sa pagsakalay ng mga otoridad sa isang bahay Basilan.

Isinagawa ang pagsalakay Biyernes (Aug. 2) ng umaga sa bahay ng pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ginawa ang raid sa Sitio Kasangyangan, Barangay Candiis sa bayan ng Mohammad Ajul.

Ayon kay Mayor Ibrahim Ballaho, kabilang sa nasawi sa operasyon ang dalawang dating miyembro ng Abu Sayyaf.

Sumisigaw naman ng hustisya ang pamilya ng dalawa dahil nilabag umano ng mga sumalakay na pulis ang kanilang karapatan.

Nabatid na ang dalawa ay dati nang sumuko sa mga sundalo.

TAGS: Basilan, Radyo Inquirer, Raid, Basilan, Radyo Inquirer, Raid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.