ES Medialdea nagsampa ng kasong libelo laban kay Ramon Tulfo

Nagsampa ng kasong libelo si Executive Secretary Salvador Medialdea laban kay Special Envoy for Public Diplomacy to China Ramon Tulfo.

Ito ay dahil sa malisyoso umanong artikulo na naisapubliko sa pahayagang Manila times.

Sinabi ni Medialdea na ang mga malisyosong akusasyon laban sa kaniya ay galing mismo kay Tulfo.

Ang nasabing artikulo na isinulat ni Tulfo ay may titulong “Self-purgation should start with the Cabinet”.

Sa nasabing artikulo, isang Vianney Garol umano ang nagpakilalang Presidential Consultant ang nagsabing kay Medialdea mapupunta ang P72 million na compensation

Ang pera ay para mabilis na mailabas umano ang P272 million na reward money sa isang unformant tungkol sa smuggling operations.

Sa isang pahayag, nagbabala pa si Medialdea na may madaragdag pa sa isinampa niyang kaso.

Read more...