BREAKING: Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila sinuspinde ng Malakanyang
Nagdeklara na ng suspensyon ng pasok sa tanggapan ng gobyerno ang Malakanyang sa buong Metro Manila.
Epektibo ang suspensyon alas 3:00 ng hapon, Biyernes (Aug. 2) base sa memoradum circular na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ito ay base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRMC) bunsod ng nararanasang hindi magandang lagay ng panahon.
Ang mga agensya naman ng gobyerno na ang tungkulin ay may kaugnayan sa basic at health services at pagtugon sa kalamidad ay tuloy ang pasok at operasyon ngayong araw.
Ang suspensyon naman ng pasok sa trabaho sa mga pribadong kumpanya ay ipinaubaya ng Malakanyang sa kani-kanilang pamunuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.