Sa latest na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 2:00 ng hapon, yellow warning ang nakataas sa Metro Manila,
Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Batangas.
Ayon sa PAGASA ang tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan ma nararanasan sa nasabing mga lugar at maaring magpatuloy pa sa susunod na mga oras.
Pinayuhan ang publiko at ang Disater Risk Reduction and Management Office na patuloy na i-monitor ang kondisyon ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.
Samantala, sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija at Quezon, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan.
MOST READ
LATEST STORIES