Pinay pinatay at ipinasok sa freezer ng mister sa Texas
Isang 24-anyos na Pinay sa Texas ang pinatay ng kaniyang asawa at saka ipinasok sa freezer ang kaniyang katawan.
Ayon sa Arlington police, pagkatapos patayin ni Edward Rogers Jr., ang kaniyang asawang si Alyssa Marie Mejia ay nagpakamatay din ito.
Natuklasan ang katawan ng dalawa sa kanilang bahay sa Arlington.
Dumulog sa pulisya ang kaibigan ng mag-asawa, dahil noong Linggo ipinakita pa umano sa kaniya ni Rogers ang isang katawan na nasa loob ng freezer.
Umamin umano sa kaniya si Rogers sa ginawa niya kay Mejia.
Nang dumating sa bahay ang mga otoridad nakitang patay na din si Rogers at may tama ng bala ng baril.
Ang dalawa ay nagkakilala online at ikinasal dalawang taon na ang nakararaan.
Pero kamakailan ay nagkaroon ng problema ang mag-asawa at naghain ng divorce.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.