Ayon kay SSS Assistant Vice President for Member Loan Department Boobie Angela Ocay, maaaring magkaroon ng early renewal ang mga miyembro para sa salary loans, advance disbursement ng pension at preferential terms.
Magsisimula aniya ang aplikasyon sa Enero 4 ng susunod na taon.
Ginawa aniya ng SSS ang calamity relief package matapos magdeklara ang Pangulong Benigno Aquino III ng national state of calamity noong Disyembre 18.
Tatanggalin na rin ng SSS ang one percent service fee na karaniwang ipinapataw sa salary loans.
Aabot aniya sa 16,000 pesos ang one month salary loan habang aabot naman sa 32,000 pesos ang two months salary at payable sa loob ng dalawang taon.