LPA sa Southern Luzon magiging bagyo sa susunod na dalawang araw

Magiging isang ganap na bagyo sa susunod na dalawang araw ang Low Pressure Area na nasa Southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa 1,050 kilometers east ng Southern Luzon.

Sa sandaling maging ganap na bagyo ay papangalanan itong “Hanna”.

Samantala, ayon sa PAGASA sa susunod na 24 na oras makararanas ng monsoon rains o patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat ang sumusunod na mga lugar:

Metro Manila
Pangasinan
Zambales
Bataan
Rizal
Cavite
Laguna
Batangas
Mindoro Provinces

Maulap na papawirin naman na may kalat-kalat na pag-ulan ang sumusunod na lugar:

Ilocos Region
Cordillera Administrative Region
Bicol Region
VIsayas
nalalabing bahagi ng Central luzon
nalalabing bahagi ng Calabarzon
nalalabing bahagi ng Mimaropa

Read more...