Yellow warning nakataas pa rin sa Metro Manila, Bataan at Zambales – PAGASA
Dahil sa nararanasang patuloy na malakas na buhos ng ulan ay nananatiling nakataas ang yellow warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa heavy rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ng Biyernes, Aug. 2 yellow warning ang nakataas sa Metro Manila, Zambales at Bataan.
Ayon sa PAGASA ang tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan ma nararanasan sa nasabing mga lugar at maaring magpatuloy pa sa susunod na mga oras.
Pinayuhan ang publiko at ang Disater Risk Reduction and Management Office na patuloy na i-monitor ang kondisyon ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.
Samantala, sa mga lalawigan ng Batangas, Rizal, Cavite at Quezon, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan.
Ganito rin ang lagay ng panahon sa mga bayan ng los Banos, Calamba, Calauan, at San pablo sa Laguna; lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.