35 police precincts na nakahambalang sa sidewalks, gigibain ng NCRPO

Nakatakdang i-demolish ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 35 pang police community precincts (PCPs) at community police assistance centers (Compacs) na nakahambalang sa mga sidewalk.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, target nilang maisagawa ito sa loob ng 60 araw na deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para linisin sa anumang obstructions ang mga public roads sa Metro Manila.

Sa panayam ng INQUIRER.net, sinabi ni Eleazar na hindi tamang nakahambalang ang mga police precincts sa daanan ng publiko.

Nitong nagdaang mga araw ay inumpisahan na ng NCRPO ang pagtatanggal ng mga presinto ng pulis na nakaharang sa daanan katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Read more...