P4.4M na halaga ng shabu nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu City; 2 ang arestado
Aabot sa P4.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Carbon Police Station sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Cebu City.
Unang isinagawa ang operasyon sa barangay Ermita bandang alas 7:30 huwebes ng gabi at naaresto ang drug suspect na kinilalang si Giovannie Mirnilo Mancao alyas “Dodong,” 18 anyos na residente ng Sitio Buli, Barangay Duljo-Fatima, Cebu City.
Nakuha kay Mancao ang isang pakete ng hinihinalang shabu na nasa 500 gramo at may street value na aabot ng P3,440,000.
Si Mancao ay itinuturing na high value target ng pulisya.
Sa isa pang operasyon sa Sitio Climaco, Barangay Pahina Central bandang alas-10:00 ng gabi, naaresto ang drug suspect na kinilalang si Sanny “Sanny Boy” Bermudez, 21-anyos at residente ng Jones Avenue, Barangay Sta. Cruz.
Nakuha kay Bermudez ang nasa P950,000 na halaga ng shabu na tumitimbang ng 140 na gramo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.