Tatlong armadong lalaki naaresto sa Cebu kaugnay sa pagpatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental

By Jimmy Tamayo August 02, 2019 - 10:43 AM

Inaalam na ng Police Regional Office sa Central Visayas ang kaugnayan ng naarestong tatlong armadong lalaki sa Badian, Cebu sa pagkamatay ng apat na pulis sa Negros Oriental.

Ang tatlo ay naaaresto ng Badian police noong Miyerkules (Hulyo 31) at hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army na nasa likod ng pamamaslang sa apat na pulis na nagsasagawa ng intel operation sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 18.

Kinilala ang mga nadakip na sina Danny Harold Tancinco, Ronnie Herbias, at Marlon Basalo na dumating umano sa nasabing bayan sakay ng bangka.

Samantala, dalawang magsasaka ang inaresto rin ng pinagsanib na pwersa ng PRO-7 at ng AFP noong Lunes at pinaniniwalaang may kinalaman sa pagpatay sa 4 na pulis.

Kinilala ang mga ito na sina Rico Oracoy, 39 anyos at Lito Cadusale, 51 anyos na pawang residente ng barangay Mabato sa bayan ng Ayungon.

Nakuha sa kanila ang dalawang .38 caliber revolver, isang rifle grenade at dalawang improvised explosive devices.

TAGS: cebu, Negros Oriental, NPA, series of killings, cebu, Negros Oriental, NPA, series of killings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.