Apo ni Robert F. Kennedy pumanaw sa edad na 22

Pumanaw sa edad na 22 ang apo ni Robert F. Kennedy na si Saoirse Kennedy Hill.

Sa inilabas na statement ng pamilya Kennedy, nasawi si Hill sa kanilang bahay sa Hyannis Port, Massachusetts.

Si Hill ay panglimang anak nina Robert at Ethel Kennedy.

Wala namang binanggit ang tagapagsalita ng pamilya sa kung ano ang dahilan ng pagkasawi ni Hill.

Nakasaad sa pahayag na si Hill ay kilala sa pagsusulong ng human rights at women’s empowerment.

May mga aktibidad din siya kung saan tumulong siyang makapagtayo ng paaralan para sa indigenous communities sa Mexico.

Read more...