Ginang patay matapos mabagsakan ng puno ang kanilang bahay sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo August 02, 2019 - 10:24 AM

Isang babae ang nasawi makaraang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay habang inuulan ang Quezon City, Biyernes (Aug. 2) ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na nakilalang si Omayra Sumala Macapudi ay natutulog sa kanilang bahay sa Barangay UP Campus kasama ang kaniyang dalawang anak at kaniyang mister.

Sa lakas ng ulan dakong alas 4:30 ng umaga ay bumagsak ang isang malaking puno sa kanilang bahay.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima at ito ang naging dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Ligtas naman ang asawa at anak ng biktima.

TAGS: heavy rains, Metro Manila, quezon city, Radyo Inquirer, heavy rains, Metro Manila, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.