My Bebe Love, kumita ng higit P60 million sa opening day nito sa MMFF

By Mariel Cruz December 27, 2015 - 07:34 AM

my bebe loveKumita ng halos P 60.5 milyon ang unang pelikula ng tambalang Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza o mas kilala sa AlDub sa unang araw pa lamang ng Metro Manila Film Festival o MMFF.

Noong Pasko, December 25, umabot sa P 60,462,169.57 million ang kita ng My Bebe Love na pinagbibidahan din nina Bossing Vic Sotto at Queen of Comedy Ai Ai Dela Alas.

Kapansin-pansin ang pagdumog ng AlDub Nation sa mga sinehan para suportahan ang pelikula ng naturang love team na kabilang sa 2015 MMFF entries.

Lumalabas na nasa mahigit P 33 milyon ang naibentang ticket sa mga sinehan partikular na sa SM cinemas sa Metro Manila habang mahigit P 27 milyon naman sa mga sinehan sa probinsya.

Dahil dito, itinuturing ngayon na “highest opening gross” ang box-office ang kita ng My Bebe Love.

Noong MMFF 2014, ang pelikula ng komedyanteng si Vice Ganda na ‘The Amazing Praybeyt Benjamin’ ang may humawak ng record na may pinakamalaking kinita na umabot sa P53 milyon.

TAGS: MMFF 2015, My Bebe love, MMFF 2015, My Bebe love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.