Lalaki patay sa pamamaril sa Navotas

By Noel Talacay August 02, 2019 - 04:45 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek.

Nangyari ang pamamaril sa Daangbanko St. (Tabing Dagat), Brgy. San Roque, Navotas City, bandang alas-5:30, Huwebes ng Hapon, August 1.

Ayon kay P/Col. Rolando Balasabas hepe ng Navotas Police, pinagbabaril ang biktimang si Benedicto Leongson Jr., 22 anyos habang nakatayo sa lugar.

Aniya, nakuha pang tumakbo ang biktima pero kalaunan namatay din ito.

Nagpagalaman na ang biktima ay residente ng Cedric Compound, Brgy. San Jose, lungsod ng Navotas.

Pahayag ng kapatid ng biktima na si Maricar Leongson, dati ng nasangkot ang kanyang kapatid sa ipinagbabawal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang pagkakikilanlan ng suspek at dahilan ng pamamaril sa biktima.

 

TAGS: Droga, navotas, patay sa pamamaril, Droga, navotas, patay sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.