2 holdaper patay sa engkwentro sa Quezon City

By Rhommel Balasbas August 02, 2019 - 04:40 AM

Nasawi ang dalawang holdaper matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City, hatinggabi ng Biyernes.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 4 chief Lt. Col. Roselle Cejas, suspek ang dalawang lalaki sa panghohold-up sa P. Dela Cruz St. alas-11 kagabi.

Ayon sa biktima, papunta sana sila sa supermarket nang bigla silang harangin at tutukan ng baril ng mga suspek.

Natangay ng mga holdaper ang cellphone at iba pang gamit.

Agad na nagsumbong ang mga biktima sa pulis at natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng global positioning system (GPS) ng cellphone.

Hindi sumuko ang mga suspek at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Hindi pa alam sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang kalibre .38 na baril, mga gamit ng biktima at maging mga sachet ng iligal na droga.

 

TAGS: cellphone, GPS, holdaper, patay, quezon city, cellphone, GPS, holdaper, patay, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.