PDEA: Maynila, nangungunang drug-hub sa Metro Manila

By Rhommel Balasbas August 02, 2019 - 04:31 AM

PDEA-RO-NCR photo

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) araw ng Huwebes na ang Maynila pa rin ang nangungunang drug-hub sa Metro Manila.

Sa isang presentation sa Manila City Hall araw ng Huwebes, sinabi ni PDEA-NCR Director Joel Plaza na 90 percent o 807 ng kabuuang 896 na baranggay ng Maynila ay apektado ng iligal na droga.

Walumpu’t siyam na baranggay pa lamang anya ang drug-free

Aabot sa 56,000 ang gumagamit ng droga at 2,034 naman ang nagtutulak.

Giit ni Plaza, kaunti pa lamang ang lugar na nalilinis mula sa droga sa Maynila sa nakalipas na tatlong taon dahil sa problema sa watchlist.

Iginiit pa ng PDEA official na ang Maynila na lang ang kaisa-isang lungsod sa Metro Manila na walang PDEA office na matagal na anya nilang hinihingi sa lokal na pamahalaan.

Sinabi naman ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi maitatanggi ang datos ng PDEA at posibleng hindi naging ganoon kaaktibo ang dating local administration.

Sinabi ni Moreno na bibigyan ng opisina ang PDEA sa Maynila at gagamitin din ng local government ang anti-drug program nito.

Samantala, inatasan na ni Moreno ang Manila Police District at PDEA na simulan na ang opensiba laban sa droga sa Baseco area na isa sa pinakatalamak na lugar sa Maynila sa droga.

Binigyan ni Moreno ng isang linggo ang mga operatiba para linisin ang Baseco sa droga.

Pinaaaresto ng alkalde ang lahat ng drug suspects sa lungsod at pinakukumpiska ang lahat ng loose firearms.

 

TAGS: anti-drug program, Baseco, drug hub, Loose firearms, Manila Police District, Maynila, PDEA, anti-drug program, Baseco, drug hub, Loose firearms, Manila Police District, Maynila, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.