Duterte papangalanan ang 10 corrupt na PCSO officials

By Rhommel Balasbas August 02, 2019 - 04:19 AM

Nasa 10 opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sangkot sa multi-bilyong korapsyon ang nakatakdang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa Malacañang.

Sa pahayag araw ng Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na binanggit mismo ng pangulo ang planong pagpapangalan sa corrupt officials sa talumpati sa Joint 69th National Security Council at 70th National Intelligence Coordinating Agency founding anniversary noong Miyerkules.

Hindi binuksan sa media ang nasabing event.

Hindi binanggit ng pangulo kung kailan niya isisiwalat ang pangalan ng corrupt officials kaya’t sinabi ni Panelo na hintayin na lamang ito.

“Iyon lang ang sinabi niya. He didn’t elaborate on that. So let’s just wait for the announcement of the president,” ani Panelo.

Nauna nang sinuspinde ni Pangulong Duterte ang lahat ng gaming operations ng PCSO dahil sa iregularidad na bumabalot sa ahensya.

Pero makalipas ang apat na araw ay pinayagan muli ang operasyon ng Lotto matapos itong hindi makitaan ng anomalya.

Tuloy pa rin ang suspensyon ng Small-Town Lottery (STL), Keno, at Peryahan ng Bayan (PNB) hanggang umaarangkada ang imbestigasyon sa sinasabing korapsyon.

 

TAGS: corrupt, Keno, Lotto, papangalanan, pcso, Peryahan ng Bayan, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, STL, corrupt, Keno, Lotto, papangalanan, pcso, Peryahan ng Bayan, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.