JUST IN: M6.8 na lindol tumama sa Chilean coast
By Rhommel Balasbas August 02, 2019 - 03:20 AM
Yumanig ang magnitude 6.8 na lindol sa katubigang sakop ng Chile alas-2:28 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.
Ayon sa US Geological Survey, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 94 kilometro Timog-Kanluran ng San Antonio, Central Chile.
May lalim ang pagyanig na sampung kilometro.
Sa datos naman ng Phivolcs, may lakas ang pagyanig na magnitude 6.5.
Pinawi ng Phivolcs ang banta ng tsunami sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.