Singil sa kuryente asahang bababa ngayong Agosto

By Rhommel Balasbas August 02, 2019 - 03:13 AM

Posibleng magkaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong Agosto ang Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nagmura ang presyo ng kuryente sa spot market kasabay ng paghina ng demand at maayos na reserba ng kuryente na posibleng magdulot ng pagbaba ng electricity rate.

Bukod dito, lumakas din ang piso kontra dolyar na lalo pang magpapababa sa August bill.

Ayon kay Meralco utility economics head Larry Fernandez, dolyar ang ginagamit na pambili ng mga planta sa gasolina kaya malaking tulong kapag lumalakas ang piso.

 

TAGS: Bawas-singil, dolyar, electricity rate, Joe Zaldarriaga, Kuryente, Meralco, piso, spot market, Bawas-singil, dolyar, electricity rate, Joe Zaldarriaga, Kuryente, Meralco, piso, spot market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.