TNT balik PBA finals matapos talunin ang Ginerba sa semis

By Len Montaño August 02, 2019 - 03:05 AM

Inasahan ng TNT ang kanilang depensa para pataubin ang Barangay Ginebra sa Game 4 ng kanilang semi-finals series sa PBA Commissioner’s Cup sa score na 103-92, dahilan para makabalik ang team sa finals.

Ayon kay Coach Bong Ravena, tinarget talaga nilang harangan ang tangka ng Ginebra na itabla ang serye.

Dahil sa depensa ay nalimita ng Ka Tropa ang defending champion na Gin Kings sa 30 points lamang sa huling dalawang kwarter ng laban.

Nagtala si import Terrence Jones ng ikla-lima nitong triple-double sa ginawang 24 points, 13 rebounds at 10 assists.

Tig 27 points naman ang ginawa nina Justin Brownlee at Japeth Aguilar para sa Ginebra.

Hihintayin na lamang ng TNT kung sino ang mananalo sa sariling serye ng San Miguel at Rain or Shine.

 

TAGS: balik-finals, Barangay Ginebra, depensa, Gin Kings, Justin Brownlee, Ka Tropa, pba commissioner's cup, semis, Terrence Jones, TNT, balik-finals, Barangay Ginebra, depensa, Gin Kings, Justin Brownlee, Ka Tropa, pba commissioner's cup, semis, Terrence Jones, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.