Menor de edad arestado sa paggamit ng ipinagbabawal na droga sa Caloocan City

By Noel Talacay August 01, 2019 - 03:28 PM

Huli sa aktong nagsasagawa ng iligal na aktibidad kaugnay sa ipinagbabawal na droga ang isang lalaking menor de edad.

Base sa paunang ulat ng Caloocan Pulis, bandang alas-5:00, Huwebes ng umaga, August 1, habang sila ay nagpapatrolya sa kahabaan ng Guadalupe St. Morning Breeze Barangay 83, Caloocan City, sinita nila ang isang grupo ng mga lalaki na may kahinahinalang mga kilos.

Biglang nagtakbuhan ang mga suspek, subalit tanging si alyas Deneil, 17- anyos, estudyante ang nahuli ng mga otoridad.

Nakuha sa binatilyo ang isang plastic zip lock na may lamang hinihinilang marijuana at isang pirasong rolled paper na naglalaman ng umano’y marijuana.

Iimbestigahan ng mga mga pulis kung sino ang nagbibigay sa binatilyo ng marijuana at saan niya ito nakukuha.

Inaalam din nila kung ang binatilyo ay may kaugnayan sa mga malalaking sindikato.

I-tu-turnover ang naarestong binatiyo sa City Social Services and Development para sumailalim ng counseling at rehabilitasyon.

TAGS: caloocan city, City Social Services and Development, counseling at rehabilitasyon., Guadalupe St. Morning Breeze Barangay 83, isang pirasong rolled paper na naglalaman ng umano'y marijuana., isang plastic zip lock na may lamang hinihinilang marijuana, caloocan city, City Social Services and Development, counseling at rehabilitasyon., Guadalupe St. Morning Breeze Barangay 83, isang pirasong rolled paper na naglalaman ng umano'y marijuana., isang plastic zip lock na may lamang hinihinilang marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.