Mayor Isko ipinasara ang mga establisyimento sa Sherwood sa Taft Ave.

By Len Montaño August 02, 2019 - 02:18 AM

Manila PIO photo

Ipinasara ni Mayor Isko Moreno ang lahat ng inuman o driking establishments sa Sherwood sa Taft Avenue sa gitna ng pagbabawal sa pagbebenta ng alak malapit sa eskwelahan.

Ang hakbang ay alinsunod sa ban ng pagbebenta ng alak sa mga establisyimento na pasok sa 200 meters ng eskwelahan.

Kasama ang mga pulis, ininspeksyon ng Alkalde ang Sherwood na malapit sa De La Salle University Huwebes ng gabi.

Matapos kausapin ang mga may-ari ng bar, nilagyan ng “close” signage ang mga lumabag na establisyimento.

Nasa pitong bar sa Sherwood ang ipinasara at bawal mag-operate hangga’t hindi naayos ang kanilang paglabag alinsunod sa inaprubahang ordinansa ng lungsod.

Ang naturang lugar ay tinatambayan ng mga estudyante ng De La Salle University.

TAGS: ban, closed, De La Salle University, Mayor Isko Moreno, pagbebenta ng alak, Sherwood, Taft Avenue, ban, closed, De La Salle University, Mayor Isko Moreno, pagbebenta ng alak, Sherwood, Taft Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.