Malakanyang nababahala na rin sa pagdami ng Chinese tourist sa bansa

By Chona Yu August 01, 2019 - 03:27 PM

A group of Chinese tourists pose for pictures in front of the monument of Philippine national hero Jose Rizal at a Manila park January 10, 2011. A total of 3.45 million foreign passport-holders visited the country last year, up 19.5 percent from 2009, despite a deadly tourist bus hijack and warnings by Western governments of imminent terror attacks, according to immigration bureau data. AFP PHOTO / JAY DIRECTO

Kinatigan ng palasyo ng malakanyang ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na secutiry threat na ang pagdagsa ng mga Chinese tourist sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaking kwestyon ngayon sa Bureau of Immigration kung paano nakapapasok ang ganon karaming mga Chinese tourist.

Nakababahala ayon kay Panelo dahil bukod sa pagiging turista maaring pang eespiya rin ang ginagawa ng mga Chinese tourist.

Ayon kay Panelo, sang ayon ang palasyo sa mungkahi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na kumuha muna ng Philippine visa ang mga Chinese tourist bago bumiyahe sa Pilipinas.

Pero ayon kay Panelo, hindi lamang ang mga Chinese ang dapat na suriin ng Pilipinas kundi maging ang iba pang mga dayuhan na pumapasok sa bansa.

“He is worried kasi nga masyadong maraming … may influx na magtataka ka bakit parang … bakit nakakapasok sila. So hindi lamang iyong worry ng number, ang worry mo pa ay kung paano sila nakakapasok. Binabantayan ba natin ito o hindi?”

TAGS: Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, National Security Adviser Hermogenes Esperon, pagdagsa ng mga Chines tourist sa Pilipinas, Presidential spokesman Salvador Panelo, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, National Security Adviser Hermogenes Esperon, pagdagsa ng mga Chines tourist sa Pilipinas, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.