Ayon kay Belmonte, prayoridad sa pagsuspinde ng klase ang primary, secondary, at senior high schools.
Base sa Memorandum Circular No. 1 series of 2019, nakasaad na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ay magsasagawa ng Pre-disaster risk assessment base sa latest weather updates at advisories ng Pagasa.
Kung magkakansela ng klase ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) at school administrators, dapat ipagbigay-alam ito sa QCDRRMC.
Ang pagsuspinde naman ng mga klase sa kolehiyo at graduate school ay batay na sa derektiba ng eskwelahan.
Sinabi si Mayor Belmonte na tanging ang Public Affairs at Information Services Department ang mag-aanunsyo ng suspensyon ng klase sa Quezon City.
Kasama rin dito ang suspensyon ng trabaho o pasok ng mga manggagawa ng lokal na pamahalaan.