Binatilyo naaktuhang gumagamit ng marijuana sa eskwelahan sa QC

By Noel Talacay August 01, 2019 - 11:43 PM

QCPD photo

Arestado ang isang 17 anyos na binatilyo na aktong gumagamit ng marijuana sa loob ng Juan Sumulong High School sa Barangay San Roque sa Cubao, Quezon City.

Nakita ng gurong si Julieta Alberida ang ginagawa ng binatilyo kaya pina-report ito sa principal’s office.

Nakuha sa wallet ng binatilyo ang dalawang sachet na naglalaman ng marijuana.

Nagpatulong ang eskwelahan sa Quezon City Police Station 7 at nabatid na ang nakuha mula sa suspek ay limang gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P600.

Dinala naman ng pulisya sa Quezon City Social Welfare Department ang binatilyo.

Pero iimbestigahan pa rin ito ng Quezon City Police Station Enforcement Drug Unit para malaman kung sino ang supplier nito ng marijuana.

 

TAGS: binatilyo, gumagamit, juan sumulong high school, Marijuana, naaktuhan, quezon city, binatilyo, gumagamit, juan sumulong high school, Marijuana, naaktuhan, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.