San Juan Police nagsagawa ng bomb incident drill

By Noel Talacay August 01, 2019 - 11:24 PM

Kuha ni Noel Talacay

Nagsagawa ng bomb incident drill ang San Juan Police bilang paghahanda sa posibleng insidente ng pag-atake sa lungsod.

Ginawa ang nasabing drill sa Barangay Kabayanan, Sanctuario de Santo Christo Parish Church Huwebes ng hapon.

Maliban sa mga pulis, kasama rin sa drill ang mga miyembro ng SOCO, SWAT team at bomb squad.

Mayroon ding apat na mga ambulansya at mga gamit sa rescue operation.

Ayon kay Col. Ariel R. Fulo, hepe ng San Juan Police, layon ng drill na maihanda ang mga pulis kung sakaling may bomb threat.

Kasam rin anya sa drill kung ano ang dapat gawin ng mga mamamayan sa oras ng bomb threat incident.

Ginawa ito ng San Juan Police sa gitna ng insidente ng pagpapasabog o pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa ilang bahagi ng Mindanao.

Pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko ang lugar habang ginagawa ang drill.

 

TAGS: bomb incident drill, Bomb squad, pag-atake, pagpapasabog, rebelde, San Juan Police, Sanctuario de Santo Christo Parish Church, SOCO, SWAT, bomb incident drill, Bomb squad, pag-atake, pagpapasabog, rebelde, San Juan Police, Sanctuario de Santo Christo Parish Church, SOCO, SWAT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.